Posts

Awit sa karapatan

Image
AWIT SA KARAPATAN ‎ ‎UDHR - Universal Declaration  of Human Rights ‎ ‎ayon sa UDHR, Artikulo Uno ‎pantay, may dignidad at karapatan tayo ‎sinuman, pulubi, donya, lahat ng tao ‎karapatang pantao'y dapat irespeto ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎03.20.2026 * mapapanood ang munting bidyo sa kawing na:  https://web.facebook.com/share/v/1EWibYTgJx/  

Awit sa desaparesido

Image
AWIT SA DESAPARESIDO ‎ ‎ang búhay nila'y inumit ‎ng sinumang malulupit ‎hustisya sana'y makamit ‎ng mga winalang pilit ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎03.19.2026 * mapapanood ang munting bidyo sa:  https://www.facebook.com/share/v/1TvkmtWpgx/  

Awit kay Alex Eala

Image
AWIT KAY ALEX EALA ‎ ‎wowoh, Alex Eala ‎magaling na atleta ‎bayaning Pilipina ‎inspirasyon sa masa ‎bansa'y iyong dinala ‎sa tagumpay mo, iha ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎03.18.2026 * mapapanood ang munting bidyo sa kawing na:  https://www.facebook.com/share/v/17MrxvY3q3/       

Awit ng tibak na Spartan

Image
AWIT NG TIBAK NA SPARTAN nakikibaka't palaban kaming tibak na Spartan na misyong itayo naman ang makataong lipunan - gregoriovbituinjr. 03.17.2026 * mapapanood ang munting bidyo sa:  https://www.facebook.com/share/v/19qPRk8zPc/  

Awit ng makatang bálo

Image
‎AWIT NG MAKATANG BÁLO ‎ sa buhay na'y mag-isa nang mawala ka, sinta kaya ako'y nagpasya tula ko'y gawing kanta ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎03.16.2026 * mapapanood ang munting bidyo sa: https://www.facebook.com/share/v/1NvketaCKz/  

Awit laban sa kurakot

Image
‎AWIT LABAN SA KURAKOT ‎ ‎ang sistemang baluktot ‎ng buwayang kurakot  ‎ay dapat nang malagot ‎at sila'y mapanagot ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎03.13.2026 (Friday the 13th) ‎11th Black Friday Protest ng 2026 * mapapanood ang bidyo sa kawing na:  https://www.facebook.com/share/v/1GzdckvL67/  

Tulawit

Image
TULAWIT ‎ ‎itutulâ ko muna ‎saka ko aawitin ‎mga isyu ng masa ‎yaong gigitarahin ‎ ‎ang mga kaapihang ‎dinaranas ng dukhâ ‎bibigyang kasagutan ‎ng nagkaisang madlâ ‎ ‎- gregoriovbituinjr. ‎03.13.2026 (Friday the 13th)